Am I that black sheep?
Sabe nila, parang every family, merong 1 person (or more) na black sheep talaga.
Tipong iba ung ugali among the rest of the family.
Pero sa'min, ako ata ung tinutukoy na yun.
Ibang iba nga ata ugali ko sa 2 kong kapatid.
Si bunso, okay na ngayon dun sa tatay ko.
Si gitna naman, oks na oks dun sa lola ko (kase naaasahan)
Siguro nga, outcast ako.
Bakit ganun? Pinaglihi ba ko sa sama ng lood noon ng nanay ko?
Kase pagkakaalam ko, preggy na si mother nung kinasal sila ni father.
Hays. Everything turns upside down (anu daw?)
And start na naman ngayon ng galit o tampo ata saken ni lola.
Dun kase ako nakatira sa kanila ngayon.
Si grandma ang nagpalaki samen since Grade 2 ako, 21 na ko ngayon.
Papa ko kase, asa S. Korea nun up to 2010.
Mama ko naman, kinuha na ni Lord nung 1999 (un nga Grade 2 ako)
Ngayon, I'm working na.
Nahirapan na ko makisama sa bahay due to financial problem kuno.
Parang ang lumalabas, ung binibigay ko every 15th is hindi sapat.
Pano magiging sapat yun kung extended family kayo sa bahay?
And I don't want na umasa ung iba saken na walang work kase di ko keri.
I can't stay naman kela tatay kase di ko kasundo ung asawa nun.
I decided to rent a bedspace muna near the office.
Can't rent a room kase kapos un sa budget ko.
At dun nagalit o nagtampo sa grandma.
Feeling nya, nagmamalaki na ko na kaya ko na sarili ko.
Kase nga daw may work na ko.
She can't understand it. o mali lang ako ng pagkaka-explain sa kanya?
Na wala na daw sya pakelam sakin pag umalis ako ng bahay.
She pointed my boyfriend kaya naisipan ko lumipat ng bahay o magbedspace.
Sobrang misleading ata ng decision ko to be independent.
Pero that thing would be an advantage saken para mag-mature, right?
Why? Why?
Black sheep kase di ko sila kasundo sa bahay.
Black sheep kase kung anu gusto ko, nasusunod.
Lage na lang black sheep.
I know that every family has family problem.
But, Father God, reveal the solution for this.
Please. Ayoko mawalan ng family.
No comments:
Post a Comment